Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magkakasunod na lindol

Tatlong beses niyanig ng magkakasunod na lindol ang Sarangani, Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 3.0 na pagyanig sa 86 kilometers southwest ng bayan ng Sarangani at may lalim na 10 kilometers, alas-12:52 madaling araw ng Martes (June 16).

Sinundan ito ng magnitude 4.4 na pagyanig na naitala sa 101 kilometers southwest ng Sarangani, ala-1:19 ng madaling araw at may lalim na 21 kilometers.

At magnitude 3.5 naman na lindol ang naitala sa 99 kilometers southwest ng Sarangani, ala-1:37 ng madaling araw at may lalim na 27 kilometers.

Tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

Read more...