COVID-19 cases sa Quezon City, umabot na sa 2,673

Pumalo na sa mahigit 2,600 ang mga nagpositibo sa Quezon City.

Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 2,673 ang bilang ng mga kumpirmado kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 11:00, Lunes ng gabi (June 15).

Sa nasabing bilang, 2,592 ang COVID-19 cases na may kumpletong address.

2,553 namang kaso ang na-validate na ng QCESU at district health offices.

Samantala, nasa 971 naman ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.

1,369 naman ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod habang 213 ang nasawi.

Batay pa sa datos, nasa 1,475 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.

Read more...