Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ito ay bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Inaprubahan aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).
Iiral naman sa Talisay City, Cebu ang modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang June 30 dahil sa kaparehong rason.
Samantala, patuloy na ipatutupad ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila hanggang sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo.
Mananatili ring nakataas sa GCQ ang mga sumusunod na lugar:
Region 2:
– Cagayan
– Isabela
– Nueva Vizcaya
– Quirino
– Santiago City
Region 3:
– Aurora
– Bataan
– Bulacan
– Tarlac
– Olongapo City
Region 4-A:
– Cavite
– Laguna
– Batangas
– Rizal
– Quezon
Region 4-B:
– Occidental Mindoro
Region 7:
– Bohol
– Cebu
– Negros Oriental
– Siquijor
– Mandaue City
– Lapu-Lapu City
Mindanao:
– Davao City
– Zamboanga City
Samantala, sinabi pa nito na isasailalim sa modified general community quarantine (MGCQ) ang nalalabing parte ng bansa hanggang June 30.