Bumaba ang mga naitalang kaso ng sakit na Dengue sa Pilipinas sa taong 2020, ayon sa Department of Health (DOH).
Sa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na bumaba nang 46 porysento ang Dengue cases kumpara sa kaparehong petsa noong 2019.
Posible aniyang dahilan ng pagbaba ng kaso ng Dengue ay ang tumaas na kamalayan ng publiko sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Kaya paalala ni Vergeire, mahalagang hindi matigil ang pagsunod sa preventive protocols.
Patuloy aniyang magpupursige ang DOH para rumesponde hindi lamang sa mga pasyente na apektado ng COVID-19 kundi maging sa iba pang may sakit.
MOST READ
LATEST STORIES