Bilang ng pulis na tinamaan ng COVID-19, 415 na

Nadagdagan nang isa pa ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa monitoring report hanggang 6:00, Lunes ng gabi (June 15), sinabi ng PNP Health Service na 415 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Nasa 723 na pulis ang itinuturing na probable case habang nanatili sa 884 ang suspected cases.

Sinabi pa ng PNP na umakyat sa 241 na ang total recoveries sa hanay ng pambansang pulisya sa naturang sakit.

Nasa pito naman ang pumanaw bunsod ng nakakahawang sakit.

Read more...