COVID-19 cases sa Maynila, umakyat na sa 1,827; 80 ang nadagdag

Karagdagang 80 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.

Ayon sa MHD/MEOC COVID-19 monitoring hanggang 12:00, Lunes ng tanghali (June 15), umakyat na sa 1,827 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 1,151 ang aktibong kaso.

Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Tondo 1 na may 306 cases.

Sumunod dito ang Sampaloc na may 137 aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Samantala, wala nang itinuturing na probable cases sa lungsod ngunit may 1,094 na suspected cases.

Umabot naman sa 566 ang naka-recover mula sa sakit sa Maynila habang 110 ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.

Read more...