Batay sa anunsiyo, sinabi ng Ministry of Health sa Singapore na nakapagtala ng karagdagang 214 na kaso hanggang 12:00, Lunes ng tanghali (June 15).
Karamihan anila sa mga bagong kaso ay Work Permit holders na nakatira sa foreign worker dormitories.
“Based on our investigations so far, there are three cases in the community, all of whom are Work Pass Holders,” ayon pa sa Ministry of Health ng naturang bansa.
Wala anilang Singaporean/Permanent Resident na bagong naapektuhan ng nakakahawang sakit.
Sa ngayon, inaayos pa anila ang karagdagan pang detalye sa mga bagong kaso.
Sa kabuuan, pumalo na sa 40,818 ang confirmed COVID-19 cases sa Singapore.
READ NEXT
Ilang LGU official, humirit sa IATF na baguhin ang community quarantine sa kanilang lugar – Palasyo
MOST READ
LATEST STORIES