Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, ito ay dahil sa kaso ng COVID-19.
Halimbawa, ayon kay Roque, ang lokal na pamahalaan ng Quezon na mula sa modified community quarantine ay humihirit na ilagay sa general community quarantine.
Humihirit naman aniya ang Cebu na maging MECQ mula sa GCQ.
Gusto namang maging GCQ ng Abra, Apayao, Caraga region, at Lanao del Sur mula sa MGCQ.
Humihirit naman ang mga lokal na pamahalan sa Dagupan City, Batanes, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao Oriental, Davao Occidental, at Davao del Sur na i-relax ang community quarantine at ilagay sa MGCQ mula aa GCQ.
Humihirit naman na maging MGCQ mula sa GCQ ang Pangasinan, Angeles City, Nueva Ecija, Zambales, Pampanga, Cavite, at Cebu province.
Sinabi ni Roque na wala namang Metro Manila mayors ang naghain ng kanilang apela.