Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina, umabot na sa 273

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO Facebook page (3:00 PM Lunes, June 15) pumalo na sa 273 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus.

Sa nasabing bilang, 101 ang active cases.

Nanatili sa 27 ang bilang ng COVID-19 related deaths sa lungsod.

Nasa 145 naman ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit.

Samantala, apat ang probable habang anim naman ang suspected COVID-19 cases.

Read more...