Metro Manila, mga kalapit na lalawigan patuloy na uulanin

Magpapatuloy ang nararanasang pag-ulan dulot ng thunderstorm sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA na inilabas alas 11:55 ng umaga ng Lunes, June 15 katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Tarlac, Bataan, at Pampanga sa susunod na mga oras.

Ganito na rin ang lagay ng panahon na nararanasan sa Quezon City, Caloocan at Valenzuela; San Jose Del Monte, Bulacan; Rodriguez, Antipolo Tanay, Pililia at JalaJala sa Rizal; Talisay, San Nicolas, Balete, Malvar, Santo Tomas, Laurel, Agoncillo, Lemery at Tanauan sa Batangas; Tagaytay, Silang, Alfonso, Mendez at Amadeo sa Cavite; mga bayan ng Kalayaan, Luisiana, at Cavinti sa Laguna; Talugtug, Nueva Ecija at sa General Nakar, Quezon.

Pinag-iingat ang mga residente sa mabababang lugar dahil ang malakas na buhos ng ulan ay maaring magdulot ng flash flood.

Pinapayuhan ang publiko na mag-antabay sa mga susunod pang ilalabas na thunderstorm advisory ng PAGASA.

 

 

 

Read more...