Sinabi ito ni Cayetano kasunod nang pag-apruba ng Kongreso sa kontrobersyal na anti/terror billa ba nakatakda nang lagdaan ni Pang. Duterte.
Ayon sa Speaker, matagal nang isyu ang terorismo na nilalaban ng lahat ng bansa hindi lang ang Pilipinas.
Habang naghahanap anya ang gobyerno ng panlaban dito, naghahanap rin ng paraan ang mga terorista para maiwasan ito.
Iginiit ni Cayetano na malinaw sa Anti-Terrorism bill na ipinasa ng Kongreso na ito ay panlaban sa terorismo at hindi aktibismo.
Maganda anyang unawain ang paliwanag ni Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez tungkol dito kung saan sinabi niyang kailangan na talagang repasuhin ang Human Security Act of 2007 dahil sa kawalan nito ng pangil.
Makalipas daw kasi ang 13 taon mula nang maisabatas ito ay isa lang ang nahatulan sa Human Security Act kaugnay ng Marawi seige.