Metro Manila, mga kalapit na lalawigan uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan dulot ng thunderstorm ang Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA na inilabas alas 11:00 ng umaga ng Lunes, June 15 katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Nueva Ecija, Zambales, Bulacan, at Cavite.

Ganito na rin ang lagay ng panahon na nararanasan sa mga bayan ng Cavinti, Lumban, Kalayaan at Los Banos sa Laguna; JalaJala sa Rizal; Talisay at San Nicolas sa Batangas.

Pinag-iingat ang mga residente sa mabababang lugar dahil ang malakas na buhos ng ulan ay maaring magdulot ng flash flood.

Pinapayuhan ang publiko na mag-antabay sa mga susunod pang ilalabas na thunderstorm advisory ng PAGASA.

 

 

Read more...