1.3 million 4Ps cash card holders nagsimula nang makatanggap ng 2nd tranche ng SAP

Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program para sa 4Ps beneficiaries.

Ayon kay DSWD Secretary Rolando Joselito D. Bautista simula noong June 11, inumpisahan na nila ang proseso ng pamimigay ng cash assistance sa mga 4Ps cash card holder.

Tinatayang 1.3 million ang bilang ng mga 4Ps cash card holders.

Una nang inanunsyo ng DSWD na ngayong linggong ito ay sisimulan ang pamamahagi ng 2nd tranche ng SAP.

Para sa mas mabilis na proseso ng pagbibigay ng ayuda, pinayuhan ng DSWD ang publiko na mag-download ng Relief Agad App at simulan na doon ang pagpaparehistro.

 

 

Read more...