MedTech Licensure Exams sinuspinde ng PRC

Sinuspinde ng Professional Regulatory Commission (PRC) ang Medical Technologists Licensure Examination na nakatakda dapat sa August 30 hanggang 31, 2020.

Ito ay bunsod pa rin ng pandemic sa COVID-19.

Ayon sa PRC, para masiguro ang kaligtasan ng examinees, Professional Regulatory Boards (PRBs) at examination personnel suspendido muna ang Medical Technologists Licensure Examination (MTLE).

Ang bagong schedule para sa MTLE ay iaanunsyo na lamang ng PRC sa kanilang website at social media accounts.

 

 

Read more...