Sweldo at droga, pangunahing isyu na dapat resolbahin ng susunod na presidente-Survey

Radyo Inquirer File Photo / Erwin Aguilon
Radyo Inquirer File Photo / Erwin Aguilon

Ang mababang sweldo ng mga manggagawa at ang illegal na droga ang mga isyung dapat tugunan at resolbahin ng mananalong presidente sa May

Ayon sa Pulse Asia survey na isinagawa noong January 24 hanggang 28, mayorya ng mga respondents ang nagbigay ng mataas na ranggo sa ‘sweldo ng mga manggagawa’ at ‘droga’ na dapat solusyunan ng magiging susunod na pangulo ng bansa.

Sa nasabing survey, binigyan ng mga isyu ang mga respondent at hiniling sa kanilang pumili ng tatlong isyu na dapat aksyunan kaagad ng magiging pangulo at iranggo ito bilang una, ikalawa at ikatlo.

Lumitaw na 38 percent ng mga Pinoy ang nagsabing ang sweldo ng mga empleyado ang unang dapat tugunan, 36 percent naman ang nagsabing ang pagsugpo sa illegal na droga.

Ang iba pang isyu na nakakuha ng mataas na ranggo sa nasabing survey ay ang pagkontrol sa inflation – 30 percent, paglaban sa korapsyon sa gobyerno – 30 percent, pagsugpo sa kahirapan – 29 percent, at paglikha ng maraming trabaho – 26 percent.

Kasama rin sa mga nabanggit sa survey ang paglaban sa kriminilidad na nakakuha ng 24 percent at pagpapatupad ng batas na nakakuha naman ng 20 percent.

Read more...