Balota para sa Overseas Absentee Voting, matatapos na

Twitter Photo/Dir. James Jimenez
Twitter Photo/Dir. James Jimenez

Inaasahan ng Commission on Elections (Comelec) na matatapos na ngayong gabi o di kaya ay bukas ang pag-imprenta sa balota para sa Overseas Absentee Voting (OAV).

Ayon kay Comelec Printing Committee head Genevieve Guevarra, mahigit kalahating milyon na ang na-imprenta nila na mga balota na gagamitin sa OAV.

Sa sandaling matapos na ang ballot printing para sa OAV, sunod na iiimprenta ng Comelec ang mga balotang gagamitin sa ARMM.

Una nang sinabi ng Comelec na na inuna nila ang pag-imprenta sa mga balota na gagmaitin sa OAV at isusunod ang mga balota na para sa malalayong lugar sa bansa.

Kailangan kasi ng sapat na panahon upang maibiyahe ang nasabing mga balota.

Read more...