Operasyon ng consular offices ng DFA sa Pampanga at Angeles City suspendido ngayong araw

Wala munang operasyon ngayong araw, June 15 ang consular offices ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Angeles City at Pampanga.

Sa abiso ng DFA, special non-working holiday ngayon sa Pampanga at Angeles City bilang paggunita sa pagputok ng Mt. Pinatubo nong June 15, 1991.

Ang consular offices ng DFA sa Angeles City at Pampanga ay magre-resume bukas, June 16.

Ang mga aplikante na mayroong confirmed appointments ngayong araw ay maaring ma-accommodate simula bukas.

 

 

Read more...