Naniniwala si Go na ang tulong ay malaking bagay sa mga single parents na patuloy na nagtataguyod sa kanilang mga anak lalo na ngayong panahon ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon sa senador, marami ang nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic at kasama rin dito ang mga single parents.
“Muli po akong nananawagan sa ating mga kapwa mambabatas na pagtuunan din ng pansin ang panukalang batas na naglalayong bigyan ng karagdagang benepisyo ang ating single parents. Kailangan po nila ito lalo na sa panahong mayroong COVID-19 pandemic. Responsibilidad natin sa gobyerno ang siguraduhin na may sapat na proteksyon po tayong ibinibigay sa mga solo parents na kabilang sa vulnerable sectors ng ating lipunan,” ayon kaky Go.
Maalalang Hulyo noong nakaraang taon nang ihain nito ang Senate Bill (SB) No. 206 na layong amiyendagan ang Solo Parents’ Welfare Act of 2000.
Sa mga benepisyo at prebelehiyo raw sa kasalukuyang batas ay hindi sapat para matugunan ang pangangailangan ng mga single parents na parehong breadwinner at caregiver ng pamilya.
Ang SB No. 206 ni Go at ang ilang kahalintulad na measures na inihain ng kapwa niya mga senador na sina Senate President Vicente Sotto III at Senators Richard Gordon, Risa Hontiveros, Juan Miguel Zubiri, Ramon Revilla, Jr at Imee Marcos ay pinagsama-sama na sa SB No. 1411.
Ang corresponding Committee Report No. 69 ay naisumite na at tatalakayin na naman ang consolidated bill sa period of interpellation kapag nagpatuloy ang Senate session.
Kabilang sa mga salient provisions ay ang karagdagang financial assistance na nakadisenyo para sa mga mahihirap at indigent solo parents na madedetermina ng proper government agencies.
Regardless umano sa income bracket o financial status ay kailangang ma-enjoy ng single parents ang benepisyo sa ilalim ng comprehensive package gaya ng social protection services at hindi ito limitado sa livelihood opportunities, legal advice at assistance, counseling services, parent effectiveness services, critical incidence stress debriefing at iba pang social projects.
Mabibigyan din umano ng prayoridad ang mga solo parents ng mga employer kapag papasok ang mga ito sa mga agreements kaugnay ng telecommuting.
Napapanahon daw ito dahil nasa ilalim na ang bansa sa “New Normal” na muling nagbubukas sa ekonomiya habang mayroong nagwo-work from home para maiwasan ang subsequent waves ng naturang pandemic.
Kapag nagtatrabaho sa government agency na mayroong mahigit 300 employees o private company na mayroong mas mahigit sa 200 employees, ang kanilang mga employers ay kailangang mag-provide ng child care centers at prayoridad dito ang solo parents.
Magbibigay din ng karagdagang scholars at trainings sa kanilang ang Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (ChEd) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Puwede ring mag-avail ang solo parents ng karagdang prebelehiyo gaya ng 20 percent discount ng infant formula, food at food supplements para sa kanilang mga anak na may edad 0 hanggang tatlong taong gulang; medicine, vaccine at iba pang medical supplements para naman sa kanilang mga anak na may edad 0 hanggang 22-anyos; ang basic necessities; tuition mula kindergarten hanggang college; hospital bills; consultation, laboratory fees, diagnostic fees at iba pa.
Kasama rin sa puwedeng mabigyan ng diskuwento ang recreational facilities kapag magkasama ang solo parent at kanilang anak.
At dahil na rin sa kagustuhan ni Sen. Go na mas maraming makinabang na mga deserving solo parents, pinalawak din ni Go ang definition ng solo parent sa SB 206.
Sa ilalim ng kasalukuyang batas, ang mga magulang lamang na kasali dito ay ang mga iniwan o hiniwalayan ng kanilang mga asawa ng isang taon.
Pinaiksi ito ng senador sa anim na buwan.
Ang inclusion mg duly recognized foster parents bilang solo parents ay isa rin sa nais maamiyendahan ng senador sa proposed measure.
“I am pushing for these amendments to the existing law to cater to as many solo parents as possible, to help them build a stronger family despite their situation, and to support them as productive members of society,” dagdag ni Go.
Ayon sa World Health Organization (WHO) sa pamamagitan ng funded study ng Department of Health (DoH) at University of the Philippines-National Institutes of Health, mayroong mahigit 15 million solo parents sa bansa at 95 percent dito ay mga babae.
Sa hiwalay namang pag-aaral na isinagawa ng state think tank Philippine Institute for Development Studies, lumalabas na walo sa kada 20 kababaihan ay nasa “vulnerable employment.”
Una rito, nanawagan na rin si Pangulong Rodrigo Duterte na ipasa ang measure sa kangang State of the Nation Address (SONA) noong July 2019.