Ang mga bagong kaso ay mula sa mga barangay na Bagumbayan, Calzada, Central Bicutan, Central Signal, Ibayo Tipas, Lower Bicutan, Maharlika, Sta Ana, Tanyag, Tuktukan, Ususan at Wawa.
Sa ngayon ang kabuuang bilang ng confirmed cases sa Taguig ay 544 na.
Simula January 27 hanggang June 14, 2020, umabot na sa 3,751 na suspected COVID-19 cases sa lungsod, 21 ang nasawi at mayroong 120 na naka-recover.
Ang Taguig ay naglungsad ng SMART testing o ang Systematic Mass Approach to Responsible Testing kung saan nakapaloob ang barangay-based testing at ang drive-thru testing upang mas mapalawak ang testing capacity ng lungsod.
MOST READ
LATEST STORIES