Nitong mga nagdaang linggo umaabot sa 784 na locally stranded individuals (LSIs) ang natulungan ng OVP para makauwi.
Sila ay umuwi sa Albay, Quezon Province, Sorsogon, Camarines Norte, Camarines Sur, Samar, at Masbate.
Upang siguruhing ligtas ang mga umuwing LSIs, sumailalim muna sa disinfection procedures at temperature check ang bawat pasahero bago makasakay sa bus.
Patuloy na pakikiisa ng OVP sa iba’t ibang LGUs na tatanggap muli sa kanilang mga kababayang naipit sa Metro Manila sa gitna ng ipinatupad na malawakang community quarantine.
Kasama sa mga dokumentong kailangan ng LSI ang medical certificate at ang authorization mula sa lokal na pamahalaan ng kanilang uuwiang lugar.