Global cases ng COVID-19 halos 8 milyon na

Umabot na sa halos walong milyon ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa pinakahuling datos, 7,981,486 na ang global cases ng COVID-19.

Sa nasabing bilang, mayroong mahigit 435,000 na ang nasawi.

Umabot naman na sa mahigit 4.1 million ang naitatalang naka-recover o gumaling na sa sakit.

Habang mahigit 3.4 million pa ang aktibong kaso kung saan mahigit 54,000 dito ang kritikal ang kondisyon.

Sa nakalipas na magdamag, ay umabot sa mahigit 120,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo at mahigit 3,000 ang naitalang bagong nasawi sa sakit.

 

Read more...