Biyahe ng LRT-1 ilang minutong nagka-aberya

Nakaranas ng ilang minutong aberya sa biyahe ng Light Rail Transit-1.

Alas 6:45 ng umaga ng Lunes (June 5) nang magpatupad ng 5 kilometer per hour na speed restriction sa biyahe ng mga tren mula Baclaran to Roosevelt.

Ayon sa abiso ng LRT-1 mayroong tren na nagkaroon ng depekto na agad namang tinugunan ng kanilang technician.

Alas 6:53 ng umaga sinabi ng LRT-1 na balik normal na ang biyahe ng kanilang mga tren.

 

 

 

Read more...