Antas ng tubig ng Angat dam muling nabawasan sa magdamag

Muli pang nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 189.03 meters alas-6:00 umaga ng Lunes (June 15) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 189.13 meters.

Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.97 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 100.99 habang bahagyang nabawasan din ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 75.56 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 75.63 meters.

Samantala, nabawasan naman ang water level ng Binga, San Roque, Pantabangan at Magat dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ambuklao at Caliraya dams.

 

 

Read more...