Ayon sa pahayag ng pamunuan ng mall ang dalawa ay una nang nagpositibo sa isinasagawang mass rapid testing sa mga empleyado ng mall.
Dahil nagpositibo sa rapid test ay ipinasailalim sila sa swab test at positibo din ang resulta.
Ang isang pasyente ay security guard na naka-assign sa R1 level loading dock entrance ng mall na naka-quarantine na simula pa noong June 9.
Ang isa naman ay housekeeping reliever.
Kapwa asymptomatic ang dalawang pasyente.
Sa ngayon ay apat na empleyado na ng mall ang positibo sa COVID-19.
Natapos naman na ng Power Plant mall ang unang round ng rapid testing sa kanilang mga service provider at wala nang pending na swab test results.
Lahat ng service providers ay sasailalim muli sa rapid testing pagkalipas ng dalawang linggo.