Pangulong Duterte balik-Malakanyang na; ipatutupad na community quarantine sa Metro Manila aaralin

Balik-Malakanyang na si Pangulong Rodrigo Duterte nitong weekend.

Kinumpirma ito ni Presidential Spokesman Harry Roque sa Radyo Inquirer matapos na dalawang linggong mamalagi ang pangulo sa Davao City.

Ayon pa kay Roque, ngayong araw magiging abala si Pangulong Duterte sa pag-aaral sa sitwasyon sa Metro Manila at Cebu City.

Inaasahan kasing iaanunsyo ng pangulo kung may pagbabago sa umiiral na general community quarantine sa Metro Manila gayundin ang umiiral na enhanced community quarantine sa Cebu City.

Sinabi rin ni Roque na ngayong balik-Maynila na ang pangulo ay kasamang pag-aaralan nito ang Anti-Terror bill.

 

 

Read more...