Hanggang pisong dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ipatutupad ng mga kumpanya ng langis

May malakihan na namang dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Posibleng umabot sa 90 centavos hanggang P1.00 ang dagdag sa kada litro ng gasolina at diesel.

Habang 70 hanggang 80 centavos naman ang posibleng dagdag sa presyo ng kerosene.

Ito na ang ikaanim na linggong may pagtaas sa presyo ng diesel at kerosone.

Epektibo ang dagdag presyo bukas, June 16 araw ng Martes.

 

 

 

Read more...