Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 372

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (10PM, Linggo, June 14) , nanatili sa 372 na ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan habang 127 ang active cases.

Ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay 76.

Ang kabuuang bilang sa ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 575.

Samantala, nasa 85 ang bilang ng probable habang nasa 443 naman ang bilang ng mga suspected sa lalawigan.

 

 

Read more...