Muli pang nadagdagan ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lalawigan ng Laguna.
Base sa huling datos ng Lokal na pamahalaan ng Laguna (Linggo, June 14 3PM), ang active cases sa lalawigan ay umabot na sa 141 kung saan nakapagtala ng 7 bagong active cases.
Narito ang mga lugar na mayroong COVID-19 active cases:
San Pedro (Larger Community) – 13
San Pedro (BJMP) – 59
San Pedro (PNP) – 12
Biñan (Larger Community) – 24
Biñan (PNP Custodial Facility) – 2
Calamba – 9
Santa Rosa – 11
Los Baños – 1
Cabuyao – 1
San Pablo – 3
Santa Cruz – 2
Calauan – 1
Victoria – 1
Pagsanjan – 1
Alaminos – 1
Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lalawigan ay nanatili sa 40 habang ang bilang naman ng nakarecover na ay 360.
Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 541.
Samantala, nasa 1,528 naman ang bilang ng suspected cases at 75 ang probable cases.