Bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19, 414 na

Nadagdagan pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Sa huling datos mula sa PNP (Linggo, June 14 6PM) umakyat na sa 414 ang kabuuang bilang ng mga pulis na nagpositibo sa COVID-19.

Sa nasabing bilang ay mayroong 240 pulis na nakarecover na habang pito ang bilang ng nasawi.

Ang bilang ng probable case ng COVID-19 sa PNP na nasa 699 na at 873 naman ang suspected cases.

Pinayuan ng PNP ang lahat ng kanilang mga tauhan na agad makipag-ugnayan sa PNP Health Service kung makararanas ng sintomas ng COVID-19.

Read more...