Tumaas pa ang bilang ng mga Filipino na apektado ng coronavirus disease o COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) (Linggo, June 14) , nasa 5,541 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 51 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 2,641 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Ayon sa DFA, 2,491 naman ang naka-recover o na-discharge na sa ospital.
Ang bilang naman ng mga Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19 ay nasa 409.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na Filipino sa bahagi ng Middle East/Africa na may 3,422 na kaso.
Sumunod dito ang Europe na may 880 confirmed COVID-19 positive cases.
Nasa 679 naman ang kaso sa Americas at 560 sa Asia Pacific Region.