Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Linggo ng hapon (June 14), umabot na sa 25,930 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 18,612 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 539 ang napaulat pang kaso ng COVID-19 kung saan 366 ang “fresh cases” habang 173 ang “late cases.”
Nasa 14 pasyente ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,088 na.
Ayon pa sa DOH, 248 ang gumaling pa sa pandemiya sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 5,954 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES