Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 1,826

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Linggo (June 14, 3:00 PM) nakapagtala ng 28 bagong kaso kaya pumalo na sa 1,826 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 434
Laguna – 523
Batangas – 226
Rizal – 500
Quezon – 134

Nasa 972 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 3 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 161
Laguna – 335
Batangas – 144
Rizal – 239
Quezon – 93

Nanatiki ang COVID-19 related deaths sa rehiyon sa 170.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 31
Laguna – 37
Batangas – 27
Rizal – 66
Quezon – 9

Read more...