Sarangani, Davao Occidental muling niyanig ng lindol; magnitude 4.3 naitala

Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 326 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani, alas-2:52 madaling araw ng Lunes (June 15).

May lalim na 53 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa nga ari-arian, intensities at aftershocks.

Nauna ng niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang Sarangani, Davao Occidental kaninang alas-2:24 ng madaling araw.

 

 

 

Read more...