Higit 400 na bagong kaso ng COVID, naitala sa Singapore

Mahigit 400 ang panibagong naitalang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Singapore.

Batay sa anunsiyo, sinabi ng Ministry of Health sa Singapore na nakapagtala ng karagdagang 407 na kaso hanggang 12:00, Linggo ng tanghali (June 14).

Karamihan anila sa mga bagong kaso ay Work Permit holders na nakatira sa foreign worker dormitories.

“Based on our investigations so far, there are nine cases in the community, of whom four are Singaporean/Permanent Residents and five are Work Pass Holders,” ayon pa sa Ministry of Health ng naturang bansa.

Sa ngayon, inaayos pa anila ang karagdagan pang detalye sa mga bagong kaso.

Sa kabuuan, pumalo na sa 40,604 ang confirmed COVID-19 cases sa Singapore.

Read more...