Metro Manila at ilan pang lugar, uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon, ayon sa PAGASA.

Sa thunderstorm advisory bandang 2:13 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Nueva Ecija, Rizal, Tarlac at Pampanga.

Mararanasan din ang nasabing lagay ng panahon sa Metro Manila partikular sa Navotas, Malabon; Quezon sa Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, General Nakar, Lopez, Macalelon at Pitogo; Bulacan sa bahagi ng Hagonoy, Paombong, Malolos, Guiguinto, Balagtas, Bocaue at Bulacan.

Sinabi ng PAGASA na mararanasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, nagbabala ang weather bureau sa mga residente sa mga nabanggit na lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...