Dalawang pulis, patay nang pagbabarilin sa Sulu

Patay ang dalawang pulis habang sugatan ang dalawang iba pa matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang armadong lalaki sa Sulu.

Kinilala ni Major Jemar delos Santos, information officer ng Bangsamoro Police, ang mga nasawi na sina Patrolman Arjun Putalan at Police Corporal Mudar Salamat.

Sugatan naman ang dalawang iba pa na sina Police Executive Master Sergeant Hamid Saribbon at Police Senior Master Sergeant Harold Nieva.

Ayon kay delos Santos, pinaulanan ng bala ng mga suspek ang Parang Municipal Police Station sa Barangay Poblacion.

Tumagal ng 30 minuto ang palitan ng putok ng baril hanggang sa mapatay ang dalawang pulis at masugtan ang dalawang iba pa.

Agad namang nagsitakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis kaugnay sa insidente.

Read more...