13,107 PPE shipments, nai-release ng BOC

Nakapag-release ang Bureau of Customs (BOC) ng mahigit 13,100 na personal protective equipment (PPE) shipment.

Ayon sa ahensya, 12 ang nai-release na kargamento noong Sabado, June 13.

Nai-release ang PPE shipments sa mga sumusunod na lugar:
– NAIA – 9
– Clark – 3

Dahil dito, sa tala ng ahensya, nasa 13,107 ang kabuuang bilang ng nai-release na shipment.

Read more...