Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 7,739,424 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 2,116,922 cases.
Sumunod na rito ang Brazil na may 829,902 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 511,423 naman ang kaso sa Russia habang 309,603 ang napaulat na kaso sa India.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 292,950
– Spain – 290,289
– Italy – 236,305
– Peru – 220,749
– Germany – 187,251
– Iran – 182,525
– Turkey – 175,218
– Chile – 160,846
– France – 156,287
– Mexico – 139,196
– Pakistan – 132,405
– Saudi Arabia – 119,942
– Canada – 97,943
– China – 83,075
– Bangladesh – 81,523
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 428,336 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 3,966,208 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.