Bilang ng pulis na tinamaan ng COVID-19, 395 na

Halos 400 na ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa monitoring report hanggang 6:00, Biyernes ng gabi (June 12), sinabi ng PNP 395 ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Nasa 715 na pulis ang itinuturing na probable case habang nanatili sa 804 ang suspected cases.

Sinabi pa ng PNP na umakyat sa 237 na ang total recoveries sa hanay ng pambansang pulisya sa naturang sakit.

Nasa lima naman ang pumanaw bunsod ng nakakahawang sakit.

Read more...