COVID-19 cases sa Quezon City, umabot na sa 2,605

Pumalo na sa mahigit 2,600 ang mga nagpositibo sa Quezon City.

Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 2,605 ang bilang ng mga kumpirmado kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 11:00, Biyernes ng gabi (June 12).

Sa nasabing bilang, 2,509 ang COVID-19 cases na may kumpletong address.

2,455 namang kaso ang na-validate na ng QCESU at district health offices.

Samantala, nasa 947 naman ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.

1,291 naman ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod habang 207 ang nasawi.

Batay pa sa datos, nasa 1,446 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.

Read more...