Branch ng fastfood chain sa QC, pinasok ng mga magnanakaw

peso-moneyPinasok ng mga magnanakaw ang branch ng fastfood chain sa Congressional Avenue sa Quezon City.

Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD) umabot sa P170,000 ang halaga ng natangay ng mga suspek sa Congressional Branch ng Chowking.

Winasak umano ng mga suspek ang lock ng roll-up door ng fastfood chain kaya nagawa nila itong mapasok kaninang umaga.

Natangay ng mga suspek ang vault na mayroong P100,000 petty cash at P70,000 sales cash at isang smartphone.

Tinitignan naman ng mga otoridad ang anggulong inside job dahil mistulang alam na alam ng mga magnanakaw kung saan nakatago ang vault.

Nakatakda namang pag-aralan ng mga pulis ang CCTV camera sa food chain.

Read more...