Davao Oriental, niyanig ng magnitude 5 na lindol

Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang Governor Generoso, Davao Oriental Sabado ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang 136 kilometers Southeast ng Governor Generoso bandang 10:11 ng umaga.

10 kilometro ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naramdaman ang instrumental intensity intensity 1 sa Malungon, Sarangani.

Wala namang napaulat na pinsala sa nasabing bayan.

Ngunit, posibleng magkaroon ng aftershocks, ayon sa Phivolcs.

Read more...