Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina umabot na sa 248

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO facebook page (3:00 PM Biyernes, June 12) , maroong 3 naitalang bagong kaso kaya pumalo na sa 248 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus.

Sa nasabing bilang, 82 ang active cases.

Nanatili sa 27 ang bilang ng COVID-19 related deaths sa lungsod.

Nasa 139 naman ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit.

Samantala, 4 ang probable habang 6 naman ang suspected COVID-19 cases.

 

 

Read more...