Police station sa Mandaue City isinailalim sa lockdown; preso at pulis nagpositibo sa COVID-19

Isinailalim sa lockdown ang Mandaue City Police Station 5 located sa Barangay Centro sa nasabing LUngsod.

Ito ay matapos na isang preso at isang pulis ang mag-positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Police Executive Master Sergeant Enrico Iway, ang preso ay nakakulong na sa police station simula pa noong May 24.

Isinailaim ito sa swab test para sa kaniyang nakatakdang paglaya at positibo ang lumabas na resulta.

Agad dinala sa designated quarantine center ang preso.

Nagsasagawa na ng contact tracing at swab testing sa lahat ng police personnel at detainees sa nasabing police station.

Magsasagawa din ng disinfection haang nakasailalim sa lockdown ang police station.

 

 

 

Read more...