Bukidnon niyanig ng magnitude 3.7 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang lalawigan ng Bukidnon.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 35 kilometers northeast ng bayan ng Quezon, alas-2:53 ng umaga ng Biyernes (June 12).

May lalim na 35 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Hindi naman nakapagtala ng intensities bunsod ng lindol.

Wala ding inaasahang pinsala at aftershocks.

 

 

Read more...