Payo ng MIAA sa mga pasahero: Huwag magtungo sa NAIA kung walang kumpirmadong flight

Pinapayuhan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga pasahero na may airline tickets na makipag-ugnayan muna sa kanilang airline upang malaman kung tuloy o hindi ang flight.

Sa abiso ng MIAA, huwag magtungo sa paliparan kung walang kumpirmadong flight.

Ayon sa MIAA, ang mga mayroon lamang na kumpirmadong flight ang pinapayagan na pumasok sa loob ng paliparan.

Sinabi ng MIAA na maliit lamang ang paliparan kaya hindi maaring papasukin ang lahat kahit ang walang kumpirmadong flights.

“Maliit lamang ang ating mga paliparan. Wala po tayong lugar na mailalaan para sa mga pasaherong for re-booking o mga kababayang nagbabaka-sakali na maisakay ng libre sa mga flights,” base sa pahayag ng MIAA.

 

 

Read more...