Paglalagay ng bike lanes sa EDSA sisimulan na bukas

Sisimulan na bukas, June 13 ang paglalagay ng bike lanes sa kahabaan ng EDSA.

Nagpulong na kahapon sina DOTr Secretary Arthur Tugade at Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danny Lim para sa pormal na pagsisimula ng paglalagay ng bike lanes.

Nais nina Tugade at Lim na mapabilis ang paglalagay ng protected bike lanes lalo at marami ngayon ang gumagamit ng bisikleta sa pagpasok sa trabaho.

Ayon kay Lim maglalaan ng 1.5 meters na espasyo para sa bikers.

 

 

 

Read more...