Metro Manila, mga kalapit na lalawigan patuloy na uulanin ayon sa PAGASA

Makararanas pa rin ng pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Sa rainfall advisory ng PAGASA, alas 2:00 ng hapon ngayong Biyernes (June 12) mahina hanggang katamtaman na pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila at Bulacan.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa Cavite, Laguna, Batangas, Quezon, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga at Rizal.

Ang pag-ulan ay dulot ng tropical depression Butchoy at ng Habagat.

Pinapayuhan ang publiko na maging maingat sa posibleng pagbaha lalo na sa mga naninirahan sa mababang lugar.

 

 

Read more...