Red Cross may P3,500 hanggang 6,500 sa mahihirap na residente sa ilang lugar sa Metro Manila at ilang lalawigan

Sinimulan na ng Philippine Red Cross (PRC) ang pamamahagi nito ng cash assistance sa mahihirap na pamilya sa ilang bahagi ng Metro Manila at ilang lalawigan.

Unang nakatanggap ng ayuda na P3,500 anggang P6,500 ang ‘most vulnerable’ na mga residente sa Brgy. Addition Hills sa Mandaluyong.

Ayon kay Red Cross chairman at Senator Richard Gordon target beneficiaries ng tulong-pinansyal ang mga vulnerable families, drivers, marginalized vendors, at ang mga nangungupahan na walang pinagkakakitaan.

Ayon kay Gordon, ilulunsad din ang nasabing cash assistance sa Quezon City, Manila, Marikina, Pasay, Las Pinas, San Juan, Rizal, Bulacan at Olongapo.

Maliban sa pera, bibigyan din ng food reloef packs na tatagal ng pang-dalawang linggo ang mga benepisyaryo.

 

 

Read more...