Kelly Clarkson naghain ng divorce sa mister na si Brandon Blackstock

(AP File Photo)

Halos pitong taon matapos silang ikasal, naghain ng divorce si Kelly Clarkson sa asawa niyang si Brandon Blackstock.

June 4 nang ihain ng “The Voice” judge ang divorce papers Los Angeles.

Ang 38-anyos na si Clarkson at 43-anyos na si Blackstock ay mayroong dalawang anak.

Irreconcilable differences ang binanggit na dahilan ni Clarkson sa hiling niyang divorce.

Hiniling din nito na obligahin si Blackstock para sa spousal support.

Ikinasal ang dalawa noong October 2013.

 

 

 

 

 

 

Read more...